ROBI in KIMERALD Movie!
MORE "KILIG" IN NEXT FILM. Kasalukuyang nagsu-shooting sina Kim and Gerald ng still untitled movie na magsisilbing comeback nila sa Star Cinema. It's their third together, although lumabas na sila sa isang episode ng Shake, Rattle & Roll ng Regal Entertainment a couple of years ago.
Dito sa lumalabas na fourth film nila ay si Ruel Bayani ang director, the same director ng kanilang highly successful na Tayong Dalawa. Kasama dito sa pelikula si Robi Domingo ng Pinoy Big Brother Teen Edition, kunsaan produkto rin sina Kim at Gerald.
"Mag-best friends kami dito sa start ng movie na na-in love sa isa't isa," sabi ni Gerald tungkol sa roles nila ni Kim.
"Best friends kami since 14 years old kami hanggang nag-21 na," dugtong ni Kim.
"Ang maganda dito sa movie," patuloy ni Gerald, "may journey yung pagiging mag-best friends namin."
Dagdag ni Gerald, bagamat drama ang pelikula, hindi ito kasimbigat ng last teleserye nila.
"Kasi, parang may lihim akong pagtingin sa best friend ko na hindi naman niya alam, kasi meron siyang ibang ano," sabi ni Kim, na masaya ring nagkuwento kung ano ang itsura niya dito.
"Naku, may hati ang buhok ko dito at may eyeglasses akong ang laki-laki!" tawa niya. "Ayun, para maiba naman daw... Galing kasi kami sa Chinese family na conservative na ayaw niyang mag-ayos dahil hindi pa siya nagkaka-boyfriend since birth!"
"Ako ay yung medyo heartthrob, pero determined," ang sabi naman ni Gerald tungkol sa papel niya. "Marami siyang gustong gawin, kumbaga. Kasi, wala naman siyang pamilya. May nanay siya pero hindi niya kasama, so kumbaga, do'n niya binubuhos yung sarili niya, sa trabaho niya, sa school...
"And may isa siyang best friend na best friend talaga na kilala na namin ang isa't isa. Ito yung pambawi namin talaga. Sa Tayong Dalawa kasi, puro kami drama-drama... Away, action, drama, iyakan... Meron pa rin noon sa movie na ito pero mas maraming kilig moments. Kumbinasyon ng drama, kilig, saya... Lahat ng emotions, mararamdaman niyo habang pinapanood niyo ang movie na 'to!" pagmamalaki ni Gerald.
"Parang pababa, tapos, paakyat [ang emosyon]... Parang gano'n ang gusto naming i-deliver," tsika ni Kim.
excerpt from : PEP